info
Positiveness :)
Positive #1
Ang bait ng mga security guards sakin ngayong araw. Yung isa, nginitian ako. Yung dalawa, nakipagkwentuhan sakin. Wala lang natuwa lang ako sa kanila. :)
Positive #2
Nitong mga nakaraang araw, sobrang nega ko lang. Talagang sinusubukan yung temper at patience ko eh. Buti nga ngayon, nama-manage ko na kahit papaano. Laging “patience is still a virtue”. Haha!
Positive #3
Hindi ko alam pero may pagka-malas ata yung Domo shirt ko. haha! Buti di ko siya sinuot ngayon at siguro minalas uli ako. Pero peyborit pa rin kita Domo. Lalagyan kita ng mustache pag may pambili na ko ng paint. :)
Positive #4
Buti naman at tinantanan na niya ko. Gusto kong lasapin ang tagumpay at kalayaan! woohooo!
change our way of thinking
Pass that positive!
Positive #1
Kahit estranghero at taken na, pwede pa rin namang maging crush diba. haha! Ang cool niya lang kasi. Parang snow. =]
Positive #2
Hindi lahat ng ilusyon ko dala ng kung ano mang espesyal na nararamdaman ko dun sa tao, minsan nasa isip ko lang talaga un. Masyadong malikot ang imahinasyon ko. At hindi ibig sabihin nun, ganun talaga yung gusto ng puso ko. (Geez drama! hehe!) (Not related sa #1). At positive to! Magandang senyales na I’m totally fine!
Positive #3
Hindi lahat ng wala, kailangan mong hanapin. Hindi lahat ng hindi mo nakuha, kailangan mong kuhanin. Life’s unfair nga diba, but still its wonderful. Thanks kay God at naiba ko yung perspective ko sa mga hindi magagandang nangyari.
Positive #4
Nakapag-enroll na ko matapos ang anim na oras na paghihintay! whew!
Positive #5
Naglinis ako ng bahay ni tita. Nakakahiya naman kasi sakin eh. Hehe! Naiirita kasi talaga ko sa marumi. Gusto ko na ngang sunugin bahay nila eh, buti na lang ginusto ko lang hindi ko ginawa. haha!
Para yun sa pinsan ko, gusto kong maalala uli siya. Kaya pinuwesto ko yung abo niya sa gitna. haha! Lalagyan ko pa yung ng bulaklak sa Nov.1. Sayang nawala siya agad, pogi pa naman nun. haha!=] I miss him!
Pass that positive!
Positive #1
Finally, we talked again. But this time, no more negative thoughts. The talk was light, smooth and at peace. Hope that we could be friends someday.
Positive #2
Wigs at my cousin’s birthday! yiipiy!
Positive #3
Help my friend to feel better and encourage him to see the brighter side of the situation
Positive #4
Had a chat with my friend, Sandra! Missed her so much!
Positive #5
Got my partner in thesis! Aiming to be the best thesis for this batch!
Positiveness
Positive #1
Nakatikim na muli ng shine ang sapatos ko. My goodness! namumuti na kasi talaga kanina at ang ganda na n’ya kanina nung malagyan na ng kiwi! haha!
Positive #2
Nag-ikot lang din sa exhibit ng Design 10. Nae-excite na kinakabahan ako for thesis next sem! Grrr!
Positive #3
Nakapag-bus na muli ako kanina at nakatulog din ng maayos sa byahe. Magbu-bus na lang ako lagi para makabawi ng tulog sa byahe. Sobrang putla ko daw kasi kanina. hehe
Positive #4
Nakausap ko si Ate Cherry! =]
Positive #5
Dahil nakakamiss ang mga compliments, nag-iba ako ng display pic sa fb. Pagbigyan n’yo na ko. Minsan lang maging maganda sa display pic. =]
=] pass that positive!
(1)
Hindi ko alam pero bigla na lang din ako napangiti kanina nung nakita ko s’ya.. Biglang na-enlighten yung aura ko. hehe! Akala ko nga di ko s’ya makikita ngayon eh. Pero God is great talaga! =]
(2)
Hindi lahat ng masamang nangyayari sa buhay mo e masama talaga. Minsan pa nga para pala yun sa ikabubuti mo. Sabi nga nila, may dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay. S’yang tunay! hehe!
Malay mo pagsubok lang pala yun. O kaya hinayaan yun ni God na mangyari para mahayag ang greatness and love ni God. Then what’s the best you can do? Trust God! wala ng iba pips!
(3)
Ang pagkain kapag libre, soooobbbbraaangg sarap!!!!
=]
Positive # 1 namamansin na uli siya!
Positive # 2 kahit kulang sa tulog, may energy pa ring tumambay! partida!
Positive # 3 kahit pagod keri paring ngumiti!
Positive # 4 ang cute-cute nung baby kanina sa bus!
Positiveness
Positive #1
Nakita ko yung dati kong crush. Kala ko di ko na siya crush pero I can’t help but to stare at him (insanely.hehe)
Positive #2
May natatapos naman ako sa mga working drawings ko!
Positive #3
I can get a ‘tungkulin’ in our locale. Finally!
Positve #4
I watched Playful Kiss Episode 3!! Still exciting for the next episodes!