tyempo =]

You and I are architects of the minute, we build ourselves every moment ~ From The Greatest Mystery in the World by Og Mandino

=]

text

january 9,2012

Una,
inaway ko yung tita ko sa fb nya. Masama na ko kung masama pero sinabi ko yung dapat nyang marinig. Pinost ko yun sa wall nya kasi nabadtrip talaga ko sa kanya. Kailangan nya matutong mahiya sa mga kaibigan nyang wala namang pakialam kung maging miserable yung buhay nya.
Pangalawa,
Sa wakas nasabi ko na lahat kay Ryuu. Sayonara, Ryuu.
Pangatlo,
I’m free!!!! Ang saya!

Ngayong araw naging honest ako. At hindi ko yun pinagsisisihan.

Kung mag-away talaga kami ni tita, bahala na. Pero dapat nyang malamn yung mali nya. Kung walang magsasabi sa kanya, hindi siya magbabago.

text

For the dragon year

Sa darating na taon, hindi ko na hahayaang ako na lang lagi yung lugi. Yung ako na lang lagi yung ‘oo’ kaagad sa mga pabor na ako din naman yung talo, yung ako na lang lagi yung nag-e-effort kahit lahat naman kami makikinabang dun, at yung tipong ako na yung tumulong ako pa masama. 

‘Yun yung pakiramdam na sumakay ka sa dyip tapos halos di ka naman makaupo, at yung bayad otso pa din. Di ba pwedeng tres na lang?

Dapat patas lang. Yung mga makikinabang, dapat magpagod din naman. 

Sa darating na taon, magiging open pa rin ako sa posibilidad na maging masaya. Nagawa ko na yun ngayong taon, sa tingin ko, at sana magawa pa rin next year. Haha! 

text

=]

What’s up P.? Miss na kita ah. Sa pagkamiss ko tuloy sayo, nabuksan ko yung fb account ko na dapat e isang linggo kong dapat hindi bukasan. Miss your smile so much!

Tiis uli ng 1 week no fb. And I’ll miss you again.

photo

Meron akong kaibigan, sobrang galit na galit siya dun sa naging girlfriend niya. Lahat na yata ng mura sinabi na niya nung nagku-kwento siya. Binanggit na niya lahat na nakita niyang mali, pagkakamali, o ayaw niya o kinaiinisan niya dun sa tao. Pero sa kabila ng lahat ng ‘yon, naramdaman ko kung g’ano niya pinapahalagahan yung girlfriend niya. Na deep inside, gusto niya pa ding magkabalikan sila.
Ako man, gusto ko silang magkabalikan. Sa tingin ko, sila talaga ang para sa isa’t isa.
Narinig ko na yung side ng kaibigan ko. Sana marinig ko din ng buo yung side nung girlfriend niya (na isa rin sa mga kaibigan ko). Heart to heart talk ba. Kasi tingin ko, may mga dahilan kung bakit niya nagawa yun.

Meron akong kaibigan, sobrang galit na galit siya dun sa naging girlfriend niya. Lahat na yata ng mura sinabi na niya nung nagku-kwento siya. Binanggit na niya lahat na nakita niyang mali, pagkakamali, o ayaw niya o kinaiinisan niya dun sa tao. Pero sa kabila ng lahat ng ‘yon, naramdaman ko kung g’ano niya pinapahalagahan yung girlfriend niya. Na deep inside, gusto niya pa ding magkabalikan sila.

Ako man, gusto ko silang magkabalikan. Sa tingin ko, sila talaga ang para sa isa’t isa.

Narinig ko na yung side ng kaibigan ko. Sana marinig ko din ng buo yung side nung girlfriend niya (na isa rin sa mga kaibigan ko). Heart to heart talk ba. Kasi tingin ko, may mga dahilan kung bakit niya nagawa yun.

(Source: fashionsociety)

text

Nice Friday!

Ang saya lang kahapon! May nakita ako kahapon. Itago na lang natin siya sa pangalang ‘apple’! haha! Hindi ko naman alam kung anong meron siya pero para siyang magnet, at ang mga mata ko ay lagi na lang nakatingin sa kanya. haha! At infairness, medyo matino naman yung buhok ko nun. Di tulad nung nakaraan kaming nagkita, sobrang gulo ng buhok ko at haggard pa. haha!=]

text

What are the usual contents of your bag?

ballpen - nasanay lang din. pero nung hayskul lagi kong nakakalimutan ballpen ko sa bahay

notebook -  kahit ano basta may masusulatan ako. haha! dinadala kahit di ko naman talaga kailangan

face powder- pulbo girl pag lagkit na ng feeling. haha!

handphone - means of communication lalo na pag mga emergency. tipong ‘andyan na ba si sir?’ kapag late na pumasok

lip balm - naaagnas kasi labi ko sa tuyo eh. haha!

coin pierce (tama ba spell?hehe) - hindi ako mahilig magpitaka. yung tipong daming che-che buretche at photos sa loob. iniiwan ko lng un sa bahay at lalagyan lang ng mga tinagong pera (yung may mga tatak na 100 years ng UP.. mga ganun) pag nadukutan ka, wala na pati mga pictures at chechebureche mo. haha!

mentos - pang-remedy pag alam mong di na kaaya-aya ang breath mo. haha! pang tanggal din ng umay ng dahil sa kausap mo.

mp3 and earphones - swertihan pag may charge yung battery. haha! pang-relax lang..

medicines-  pang emergency. pag masakit ang ulo, pag masakit ang puson pero di pang lunas pag masakit ang puso. haha!

emergency napkin(hehe) - in case na.. alam mo na. haha! kailangan handa.

payong - always talaga to. umulan man o umaraw. ginamit ko man o hindi. haha! kaso ilang payong na nga ba ang naiwala ko? haha!

Following