Jeepney Love Story
Bigla akong naging pamasahero (pasaherong taga-abot ng bayad) kanina sa jeep pauwi samin. Kakaabot nila ng bayad, bigla naman kitang napansin. Meron kang dalang tube, blue checkered na jansport bag at suot na silver na relo. At dahil sa polo mo, tingin ko taga-UST ka. Baka Eng’g/Arch./Drafting ang course mo, palagay ko. Kaya mas lalo kitang napansin.
Pag abot ng bayad, kamay mo na palang nakaabang. Kasi nakatapat na sa iyo eh, alangan namang wag mong pansinin diba. Pwera na lang kung nagmamaganda ka. Tapos pag sukli, bigla kong hiniling na sakin mo i-abot. At Boom! Ang swerte ko naman. Biglang nagkaroon ng interaksyon. Koneksyon. Kuwestyon.
Kuwestyon kung ano ito. Kuwestyon kung anong meron dito. At biglang ayoko ng pumara kahit sa’n magpunta. Ayoko ng pumara kung ikaw ang kasama. Ayoko ng pumara kahit sa’n pa lumiko. Ayoko ng pumara sana di na huminto. Biglang ayoko na.
Pero hindi ikaw yung humila ng tali at nagsabing ‘manong baba ako, sandali.’ Ako yun. Baka nga hindi pa ikaw ‘yun. Baka hindi para sa atin ‘yun. Baka hindi pa ito ang tamang oras. Baka mas mabuti na huminto muna.
-
iamyamennaid said:
HAHAHA nice! :))
-
kashcan posted this