Positiveness :)
Positive #1
Ang bait ng mga security guards sakin ngayong araw. Yung isa, nginitian ako. Yung dalawa, nakipagkwentuhan sakin. Wala lang natuwa lang ako sa kanila. :)
Positive #2
Nitong mga nakaraang araw, sobrang nega ko lang. Talagang sinusubukan yung temper at patience ko eh. Buti nga ngayon, nama-manage ko na kahit papaano. Laging “patience is still a virtue”. Haha!
Positive #3
Hindi ko alam pero may pagka-malas ata yung Domo shirt ko. haha! Buti di ko siya sinuot ngayon at siguro minalas uli ako. Pero peyborit pa rin kita Domo. Lalagyan kita ng mustache pag may pambili na ko ng paint. :)
Positive #4
Buti naman at tinantanan na niya ko. Gusto kong lasapin ang tagumpay at kalayaan! woohooo!